I am stan

Madami sa atin kahapon ay inabangan ang inagurasyon ng ating bagong Presidente Aquino. oh well, mas feel niya ang maka masang P-Noy kesa sa conyong President Aquino. excited akong manuod sa TV ng live coverage ng mga stations sa inaugural event ngunit nawala din agad ang excitement na nananalaytay sa buo kong katawan dahil sa maaga din nag inauguration ng kanyang bagong biling DVD's ang kapatid ko. wala akong nagawa kundi maghintay sa kanyang matapos manuod. Infairness, maganda ang pinapanuod niyang storya ng 3 lola na nagawang manghold up sa isang banko para sa katuparan ng kahilingan kanilang matalik na kaibigan na makapunta sa Hawaii. ang ending, na dead parin ang bida at hindi rin nakapunta ng hawaii. kita mo nga naman ang katapusan ng mga movie ngayon. unexpected na at kakaiba na ang nangyayari.




pagkatapos niya manuod ay dali dali kong nilipat sa ibang channel ang TV. pinagtiyagaan ko ang reception ng GMA 7 kahit na iniisip ko kung maaga ba silang naging 3D dahil nahuhuli ang bibig ng mga nagsasalita. inabutan ko ang umpisa ng pagkanta ni charice pempengco ng Lupang hinirang bilang simula ng formal rites ng inauguration. bongga ang suot na Rajo Laurel kimona ni Charice na regalo ng ninang niyang si Kris Aquino. Maya maya lang nawalan ako ng gana manuod ng puro special number ang isiningit nila sa event. para sa akin, boring ang pagkanta ni Noel Cabangon noong mga oras na yon ng santambak na kanta niya. naging corny din ang march song ng APO hiking society. naghahanap ako ng isang bagay na pormal. yung isang number na bagay sa kung ano ang meron. bigla kasing gumana ang pagiging mabusisi ko sa mga nakikita ko. hinintay ko nalang ang pagsisimula ng speech ni Binay at Noynoy.


" Kayo ang Boss ko. " isang pamatay na linyang binanat P-Noy sa kanyang talumpati. hiyawan ang mga tao. hindi ko alam kung bakit ngayon lang nila narealize na dapat naman talagang ang taumbayan ang pinagsisilbihan ng mga namumuno sa gobyerno.


medyo nabuhayan ako ng marinig ko ang kani-kanilang pangako sa bayan sa kanilang administrasyon. walang special treatment sa traffic (yung mga may wang-wang), pag review ng mga acitivities sa BIR(tamang tama para sa kapit bahay namin), edukasyon at kung ano ano pa. hinhintay kong may masabi si P-Noy para sa mga ateng at fafang na mga kababayan natin, mukhang wala.



hindi naman ako naghihintay.



Pagkatapos kong manuod ay humiga ako saglit. wala akong gagawin buong araw kung kaya't nagiisip ako ng mga bagay na magagawa sa buong maghapon na walang pasok. tinawagan ko si Kabuhayan ( tama, kabuhayan ang pangalan kong binigay sa kanya hindi dahil sa siya ang source ko ng income, kundi siya ang nagbibigay buhay sa akin. actually, ang mga kaklase ko nung highschool na babae ang nagbansag sa kanya noon ng ipakilala ko siya sa kanila. hanggang ngayon hindi nila matanggap na sa kabila ng pag gy-gym ko ay yung gusto din nila ang gusto ko.) sakto namang nagbibihis siya at nagpasabi na pupunta daw sa bahay. mabilis nanaman akong kumuha ng magic walis at nilinis ang kwarto ko. bukod kasi sa ugali kong maglinis ng kwarto pag dumadating siya, hindi naman din ako sanay na sa iba pinapalinis ang kwarto ko. tanging ako lang ang nakakaalam ng mga sikreto ng kwarto kong yon. kung may mawala man ni isang gamit ay alam ko sapagkat kabisado ko kahit kadalasan nakakalat ang mga gamit dito.


Mga alas 2 ng makarating siya sa bahay. habang papalapit na kong matapos sa paglilinis ng kwarto. isang yakap galing sa likod ang nagpabalikwas sa akin para humarap sa kanya. may dala siyang paborito naming tinapay na mabibili sa bakery na malapit sa amin. isang mahaba, mataba at pabilog na tinapay na may lamang puti na crema sa loob ang istura ng tinapay na aming gustong gustong kainin. nakakatuwa man, ngunit totoo itong itsura ng tinapay na yon. sayang nga lamang at hindi ko nakuhanan ng litrato ang tinapay. dahil kahit ang pangalan nito ay hindi ko rin alam.


buong maghapon kaming mgakasama, ninanamnam ang tamis ng bawat eksenang animo'y sa pelikula kinukuha. bawat kilig, sandaling galit at tampo ang mga bagay na siyang bumubuhay sa aming relasyon. hindi namin ginagawang natatanging kaligayahan ang bawat isa bagkus ay hinahanap namin ang lahat ng maaring maging dahilan para maging masaya kaming dalawa. ayaw naming magsawa at dumepende sa isa't isa. isang bagay na masasabi kong kakaiba sa amin. kung minsan man ay masakit din tanggapin, pero siyang tamang dapat sundin.


pinagluto ko siya ng paborito naming meriendang pancit canton, nakakatuwang inamin niya sa akin na mas masarap akong magluto noon kesa sa nanay niya dahil tuyot daw ang gawa ng nanay niya. ewan ko kung pampalubag loob lamang yon o talagang sadya niyang sinabi dahil gusto niya. pero isa lang din ang reaksyon ko, kinilig at naihi ako ng 3 drops.


hindi niya nagustuhan ang pancit canton. lalo na kung nakalagay ito sa plato. ang ending, simot ang isang malaking plato ng 4 na pancit canton. naniniwala akong galit siya sa pancit canton dahil dito.




pagkatapos ng ilan pang mga oras ng lambingan at kulitan gaya ng sundutan ng pwet, kagatan, takipan ng unan sa mukha, habulan sa kusina, at hampasan ng kutsara, nagpaalam siya para umuwi na dahil mag aalas 9 na ng gabi at hindi siya nag paalam sa kanila.



hinatid ko siya sa sakayan ng tricycle at umalis na para bumalik sa bahay. siya na rin mismo ang nagsabing huwag na akong umalis at maglinis nalang para matuwa sa akin si mama. masunurin akong bata kaya sumunod ako.




habang naglalakad, inisiip kong sa dinami dami ng tao, maswerte ako sa kung sino ang nagmamahal at minamahal ko ngayon. mga bagay na lagi kong pinagpapasalamat sa kanya. kung meron mang isang bagay na kaugnayan ng araw na to sa nangyayari sa kasalukuyan, ay ang patunay sa mga pagbabagong maaring maganap sa buhay, ikaw ang pumipili sa mga pagbabagong mangyayari sayo. at nasasayo kung hahayaan mo itong maganap. sino ang magaakalang ilang buwan lang ang nakalipas, isinusulat ko ang pait ng kalungkutan at ang hapdi ng pagdadalamhati sa mga bagay na nangyari sa akin?




ngayon,





hindi ko iisipin na may puwang ang kalungkutan sa kasiyahang tinatamasa ko sa bawat sandaling nilulunod ako ng pagmamahal niya. napakahirap tumanggi,







masyado akong nabibighani. nakakapanghina.








Labels: , ,
0 Responses

Post a Comment