Alas 3 ng hapon, masaya akong naghuhugas ng itlog (literal ito dahil magluluto ako ng pancake) ng gulatin ako ng isang taong biglang pumasok sa aming kusina. muntik ko ng ibato sa kanya ang hawak kong itlog at mangkok. sa katawan ang unang tingin ko dahil medyo mataas ang pintuan ng kusina. mabuti nalang at siya ang taong kahit naminsan ay mukang masama ay nagiiba padin pagdating sa paningin ko. ugali niya talagang manurpresa sa hindi nakakatuwang pagkakataon. kadalasan e wrong timing. agad ko siyang tinanong kung bakit siya biglang nagpunta sa bahay ng walang pasabi. ngunit wala siyang sagot. tumalikod ako at umalis. isang mabilis na sagot ang aking narinig.
" pinapunta ako ng mama mo para sunduin ka. sasamahan ko daw kayo magpunta sa school mo. "
natigilan ang aking paglalakad sa kanyang sinabi. iniisip ko, hindi ba ilang araw palang ang nakakaraan ng pormal silang magusap ng harapan ng aking mama tungkol sa relasyon namin? bakit sobrang close na nila ngayon at ng malaman ko ay magkatext na din sila? mas madalas pa kesa sakin. kung hindi ko nga lang mama ang kanyang katext ay malamang pinagselosan ko na din siya.
"magbihis ka na. dalian mo. "
hindi ako umimik at dali-daling kinuha ang walis. oo tama, walis ang mabilis kong kinuha. ayoko sa lahat ay may taong dumadating sa bahay na hindi handa ang kwarto ko. kahit na alam kong hindi naman talaga sa kwarto ko dumidiretso ang mga bisita. pero iba nag kaso niya. alam kong sa kwarto ko siya maglalagi habang hindi pa ako tapos mag ayos.
" sandali lang. maguumpisa pa lang akong maglinis ng kwarto bigla mo kong mamadaliin. "
"bilisan mo na. kapag hindi ka pa nagayos kaming dalawa ng mama mo ang aalis. iiwan ka namin dito."
mahilig siyang maging bossy sa mga bagay bagay kung kaya't hindi siya natinag sa sinabi kong iyon. ilang linngo na rin ng maging ganito ang sitwasyon namin, bigla siyang naging instant tatay ko ng maging close sila ni mama. bawal na akong lumabas pag gabi at kung lalabas man ako ay dapat kasama siya, bawal na akong magtext sa mga kaibigan ko dahil natutukso daw akong gumala kaya kinuha niya ang sim card ko, bawal na akong umalis ng hindi nagpapaalam sa kanya. kung tutuusin, mas gugustuhin ko pang buhay ang daddy ko kung ikukumpara sa patakarang ginagawa niya sakin ngayon. pero bakit may kung ano din pwersang nagtutulak sakin para sumunod. magparaya sa mga gusto niya sa buhay ko. wala din naman akong makitang dahilan sa ganong sistema na kapwa nila pinaiiral ng mama ko.
wala akong nagawa. binitawan ko ang walis. kinuha na ang dapat kuning tuwalya at nagumpisang buksan ang tubig na pampaligo. sa bawat lagaslas, naririnig ko ang kayang mga kwento ng umagang yon, bago siya pumunta sa bahay. ni hindi pa siya nakakapag tanghalian ay dumiretso na siya agad samin. napangiti ako. sa mga nakalipas na taon, ngayon lang ako nakaranas ng ganito. masarap maghilod kapag ganito ang mga tumatakbo sa isip mo. nakakapresko sa pakiramdam.
" oh tapos ka na? kapag hindi ka pa tapos ng limang minuto iiwan na kita dito. ambagal mo kumilos. kaya ka napapagalitan ng mama mo lagi ka nalang nagpapahuli. hay nako."
" oo na, eto na nga oh, daig ko pa militar sa ginagawa mo. pero pag ikaw, nakuuu."
" ano? anong ako?"
"wala."
binilisan ko ang pagbihis kahit na alam kong hindi ako magmumukang fresh. kahit labag sa loob ko ang mag cap dahil sa bad hair day look ko, kinaya ko nalang dahil alam kong hindi naman siya mapili pagdating sa porma ko. yun nga lang, siya ang lagi kong tinuturuan na magdamit ng maayos. medyo old school kasi ang fashion niya. kundi pa dahil sa santambak ko na magazine na dinidisplay sa kwarto ko, di siya mageefort bumili ng mga damit. para sa kanya, walang sense ang paggastos sa damit lang. pero sa gimik meron siyang budget. ang weird no.
nagmamadali ako sa pag habol sa kanya maglakad. sinundo namin si mama sa eskwelahang pinapasukan niya. ikinabit ko nalang ang earphone ko sabay patugtog ng california girls ni katy perry para ma-uplift ang mood ko. feeling ko sa kantang to, care free ako habang naglalakad. wala akong pakialam sa get up ko na haggard. basta okay lang sa kanya. tsaka namin nalaman na walang driver na maghahatid sa amin sa aming pupuntahan.
no choice kami. naghintay kami ng bus paluwas.
habang nasa byahe, may mga bagay na hindi ko maiwasang isipin kahit na masaya naman ang mga tugtog na pinapakinggan ko. isa to sa mga bagay na inuumpisahan ko pa lamang pangarapin, yung tipong tsaka ko palang dapat paghahandaan, kung ikukumpara ko sa iba, eto pa nga minsan ang pinuprublema nila. -ang pagtanggap ng magulang sa taong mahal mo.
pakiramdam ko masyadong mabait sa akin si bro. pero nagpapasalamat ako don. ang tanong lang na laging nandoon ay hanggang kailan? kung di lang sa isang batang biglang umihip ng torotot na maliit ay patuloy kong iisipin ang mga bagay na yon. tumingin ako sa balikat ko, nakasandal siya habang natutulog, hindi ko iniisip ang magiging reaksyon ng mga tao sa amin, pero alam ko, sa kabilang dulo ng balikat ko ay may isa namang taong masaya para sa akin. kahit hindi man niya sabihin.
Dumating kami sa eskwelahan ng mga alas-5 ng hapon. late na para sa mga transactions sa office of the registrar. nagkaproblema kasi sa mga grades ko nung nakaraang sem kung kaya't kinailangan kong papuntahin si mama sa school (pero hindi ako bagsak. may mga hindi lang na credit na duties ko). ang hindi ko alam, dahil magkatext sila ay pinakiusapan siyang samahan kami dahil ang driver ni mama ay may inasikaso sa maynila. nagkaroon ng mini tour sa school ng mga oras na yon, inisa-isa ko kay mama ang mga lugar sa skwelahan na lagi kong tinatambayan, ang mga kapihan, internet shops, kung saan ang sakop ng wifi na hindi blocked ang mga social networking sites at pornsites, ang hidden hideout ng mga becky kapag gustong makabingwit ng mga booking, pati ang milagrosang opisina ng secretary of finance kung saan parang pera din ang labas pasok ng mga kliyenteng lalaki kung free time. mabilis. hanggang sa pinaka gate ng school ay may ending speech parin ako. ibinida ko sa kanya ang nasa likod naming foreign representatives na nililibot ang campus para sa accreditation.
" saan dito ang pinakamalapit na kainan? " biglang sabi ni mama habang naguusap kami tungkol sa sistema ng school niya dati at sa school ko ngayon. pinagmamalaki niya ang kanyang university na kung tutuusin ay extension branch lang namin sa main campus.
" ayan sa kaliwa mo may Jollibee, sa kanan may chowking, meron ding mga mini resto jan sa..."
hindi pa man din ako tapos magsalita ay nagsabi na siya ng:
" basta yung hindi na tatawid at maglalakad ng malayo. "
lumingon ako sa kaliwa ko. sa kanan at sa gitna. isa lang ang naisip ko.
" Ma, sana sinabi mo nalang na sa shakeys tayo kakain."
" bakit naman?" nakuha pa niyang magtanong sa kabila ng obvious na sitwasyon.
" yun lang ang pwede nating kainan na hindi tayo tatawid."
mahirap kapag nagkaka-edad na ang mga magulang natin. totoo yan.



good times. congasholashions friend.
Ayyyy Legal. Buti pa kayo. HAHAHAHAHA! dadating din kami jan wait lang ha.
Kinikilig ako sa post na ito. winner.
it's quite a nice story. I can tell that I can relate personally to this post. I created a link for this
http://scribblingonline.blogspot.com/2010/07/im-curious-about-you-and-your-agenda.html
@yas: you've always known how we worked this out to get here. i thank you for every heartache, heartmake at heart breaks i shared with you. grabe. bespren.
@Loraine: tama. dadating din kayo jan. atleast nakakapunta punta siya sa bahay niyo.diba. diba.
@ethan: do you really have to replace the pronoun for your blogging statement? uh well, i do understand you. it isn't something to fuzz about. i am like what GMA news always says, no spins, no hidden agendas. just news. err. (pardon the pun) embrace confidence my friend. i just want to make friends.
specially we have uhm, something in common i guess?
and sir, im no formal business man nor entrepreneur. so please refrain from relating me to the word "agenda". it sounds something BIG. i must say. i can still take "plan" if you wish.