Maaga kaming umuwi kahapon pagkatapos ng pangatlo kong subject. ewan ko ba, tinamad na yatang pumasok lahat ng professors ko ng tuluyan, unang araw palang naman kasi ng klase namin ngayong linggong to sino ba naman ang hindi tatamarin.pumara na ako para sumakay ng taxi papunta sa lrt monumento station. nagmamadali rin kasi akong umuwi dahil babalik pa ako ng Bulacan. saktong pagbaba ko ng d. jose station ay meron ng nakaabang na aircon bus pauwi. at dahil traffic, nagpunta muna ako ng 7-11 para bumili ng makakain.
pagpasok ko ay nagaabang ang isang mahabang linya ng tao na makukumpara sa pila ng NFA rice. akala ko ay may panic sale o kaya'y free goods with every purchase na noong mga oras yon. at dahil sa kagutuman ko, tinitigan ko nalang ang cashier sabay abot ng lays chips na binili ko.
at dahil isang ugali kong masama ang sumingit sa pila paminsan minsan ay mabilis din akong nakapagbayad.
" sir would you like some chocolates po. matamis masarap masustansya, ---cloud nine."
para akong natauhan sa narinig kong mga salita ni ate habang nagbabayad. akala ko ay namiss ko lang ang bagong commercial ng cloud nine sa telebisyon. paraan pala yon ni ate upang ma-enganyo ang mga bumibili na tikman ang excess na stocks ng cloud nine nila. napangiti ako habang umaalis palabas.
napatakbo ako ng makitang umaandar na ang bus na dapat kong sakyan. tsaka halos patalon na umakyat at umupo sa pinakadulo na may bakanteng upuan. nakita ako ang highschool classmate kong si eg na nasa kabilang parte ng mga upuan. nagusap kami ng mga ilang bagay na puro may kinalaman sa computer at mga software ng maputol ang aming usapan sa pagsakay ng isang lalaking mataba na sa gitna namin umupo.
saka ko naman tiningnan ang aking celphone at binasa ang mensaheng aking natanggap.
" samahan mo ko punta greenhills. "
si cho.
bigla akong natuwa sa mga oras na yon. bihira kasi kami magkita ni cho di kagaya nung dati. ng di pa siya busy. nagdadalawang isip ako kung bababa pa ba sa balintawak gayong nakapagbayad na ako ng pamasahe hanggang sa bahay. hinhintay ko na magkaroon ng sign. sign para bumaba ako at hintayin na lamang siya magtext na malapit na siya. nahihilo na ako sa kakatingin ng kaliwa't kanan.
wala padin.
hanggang sa lumampas na ako sa toll gate ng NLEX. sabi ko sa sarili ko,
" hindi siguro gusto ni bro na tumuloy ako ngayon."
pero hinde,
ng makauwi ako, tsaka sya nagtext
" abang ka na sa trinoma daanan kita, galing ako sa banko."
kahit na dapat ako ang magmaktol, sa sobrang iwas ko na tumigil sa bahay ng matagal ay umalis din ako agad pagkatapos kong magbihis. sumakay ng bus na parang walang inaalalang iba. nagpaalam lang ako kay mama na aalis sandali.
SANDALI lang.
05:30 p.m.
Nasa munoz na ako. tumawag siya habang nagbabalance ako sa pagtayo sa bus. para akong kundoktor na sumasagot ng tawag sa gitna ng sasakyan. sabi niya ay sa parking daw kami magkita, oo naman siya ng oo. hanggang sa dumating ako ng trinoma.
" nsan ka na? " una kong text sa kanya pagkadating ko sa parking. sinundan yon ng 21 na tawag sa kanya. walang sumasagot.
mangiyak ngiyak na ako na umalis papunta sa loob ng mall. nagbabakasakali na makasalubong ko siya, sabihing sorry dahil naiwan niya ang celphone niya sa sasakyan, o di kaya ay sabihing may pinuntahan siya na bawal ang celphone para maging pampalubag loob ko sa paghihintay at pagiisip kung nandoon ba talaga siya sa loob ng isa't kalahating oras.
nagpalakad lakad ako, sa garden sa taas, pababa, inakyat baba ang level 3 hanggangg level 5 ng parking pabalik ng loob, tumambay sa kapihan at umikot ulit hanggang sa magsawa at umupo sa pinakaharap na mall. yung inaabangan ng mga taxi paalis. nakapagdesisyon ako, kapag hindi pa siya nagreply sa loob ng 10 minuto, aalis na talaga ako.
" cho calling... " biglang register sa celphone ko. imbes na magtampo, malumanay kong sinagto ang phone.
" asan ka na ba? hinahanap kita kanina pa. " kahit na hindi obvious na hinahanap ko siya sa pagmiscall ko ng dalawampung beses na.
" andito din ako trinoma, nawala kasi celphone ko kanina, naiwan sa CR buti nalang at nakita ni kuya janitor. ang ingay daw eh. kaya napansin niya."
" okay. andito ko sa harap. pupuntahan kita." tinatry kong maging okay sa pakikipagusap sa kanya. naisip ko, kahit papano may excuse siya.
" puntahan nalang kita dyan. cge."
maya maya lang ay nasa likod ko na siya. nakangiti pa ang loko habang papunta sa akin. ako naman eh parang di mapakali dahil gusto ko siyang sapukin sa pagpapahintay sakin. agad niya ako inaya pumasok sa loob at bumalik kami sa parking. magcocommute lang daw kami at iiwan ang sasakyan sa mall. umalis kami agad at iniwan ang bag ko. isang estudyante naka nursing uniform at nakacap ang may kasamang lalakeng matangkad na nakapulang t-shirt at short na maong ang lumakad papunta sa MRT.
kami yon.
pakunswelo ko nalang eh yung libre niya naman lahat. ok na ako bigla.
sumakay kami ng MRT at bumaba sa Santolan station. maraming tao pero buti nalang dahil sa aking singit powers (tama, singit powers) nakaupo kami sa buong byahe sa MRT. sinumpa ko ang dami ng taong nagsisiksikan at nagtutulakan kasama ng mga nagchichismisang mga tao sa loob ng tren. isama pa ang mga pa-mhin na kung makatitig ay sobra sa lagkit. namumutla na ako.
sa wakas, nakarating kami sa santolan.
nagabang kami ng bus papuntang ortigas dahil mas malapit daw kung magbubus kami papunta sa aming bababaan. sweet naman si cho, makwento at hindi ka maboboring kausap. ngunit hindi ko alam kung bakit sa buong byahe namin galing ng santolan papunta sa sakayan ng jeep eh si Gloria Arroyo ang aming topic.
idol niya daw talaga si ate glo. kung iisipin lang daw ng mga tao ang naging papel niya para sa Pilipinas, malamang maiintindihan nila ang mga plano nito para sa bayan.
nagkamali siya ng pinagkwentuhan. hindi ko masyadong pinapakinggan ang sinasabi niya. mas busy ako sa pakikipagtitigan sa isang lalakeng nakabihis semi-formal, maputi, at kahawig ng isang sikat na modelong kilala ko na kasabay namin sa jeep papuntang green hills. naalala ko ito lang ulit ang pagkakataon na sasakay ako ulit ng jeep. namimiss ko ang tabi tabing pag upo at abutan ng bayad. ang mga linyang " konting ipit pa po" ay mga alaala ng masayang nakalipas na 10 buwan.
" mauna ka ng bumaba." nawala ako sa matinding eye to eye contact namin ni kuya ng ayain ako ni cho dahil naroon na kami. wala akong nagawa ngumiti ako kay kuya at bumaba. speechless siya.
pagdating doon, agad kami naghanap ng mapapagpagawaan ng nasira niyang celphone. yung erickson niya na touch screen. ayaw daw pumidot. nagikot ikot kami at nagpalipat lipat ng pwesto hanggang sa makuntento sa isang gumagawa. presyo lang naman ang pinagtatalunan sa tuwing lilipat kami ng pwesto. ayaw kasi ni cho ng mahal. para sa kanya, lahat dapat tinitipid. kaya siya nagkakapera dahil doon.
itago nalang natin ang aming pinagpagawaan sa code name na "kuya biceps" dahil ito sa kanyang tila sasabog na braso habang suot ang kanyang tight white undershirt. bigla kong naalala si Mr. Clean kung sakaling magkakabuhok ito. nahuli ni kuya ang tiwala ni cho kaya't sumang ayon ityo na doon na magpagawa. 500 ang singil kasama ang 2 weeks warranty at labor. hindi na masama.
inumpisahang palitan ang screen ng celphone, habang nagumpisa rin akong mainip sa tagal at ingat ni kuya biceps sa pagayos nito. mabuti ng mabagal at sigurado ang motto ni kuya sa buhay. isip isip ko.
dahil sa pagkainip, gumala ang mga mata ko sa paligid. napansin ko tuloy na halos lahat ng nagtatrabaho doon sa parteng yon ng mall ay malalaki ang braso, katawan at iba pang masels. naglaro ang isip ko kung kailangan ba sa ganong negosyo ang ganong pangangatawan.
nagkamali ako. meron palang malapit na fitness first sa bandang iyon. kaya naman ang mga nagtatrabahong technician, kapag walang costumer eh dumidiretcho na sa gym para magpalaki ng katawan.
08:15 ng gabi

ng matapos ang paggawa ng celphone, dumiretso kami sa promenade para kumain. ang sabi ko ay magdidiet kami ngunit sa chef savory siya dumiretso. gutom na daw siya. maawa daw ako.
habang kumakain, nagusap kami tungkol sa mga bagay bagay na may sense naman. masasabi ko isa yong mini date naming dalawa. kahit na madalas kaming magkita ay hindi kami naguusap ng ganon kaseryoso sa mga bagay. para sa akin kase, ang date ay isa ring seryosong paguusap. hindi boring kundi yung may sense.
pinapanood din namin ang mga taong dumadaan, ang mga lalaking masayang naghaharutan na parang kagagaling lang sa broke back mountain trip, ang mga matandang baabeng postura kung manamit, mga sosyalerang kolehiyala, mga college jocks, isang bading na iwinawagayway ang kanyang chanel na bag, at mestisong kaduda duda ang kasarian.
lahat yon pinansin namin habang nagsasalitan sa pagsubo ng pagkain.
nakangiting inabot ng waiter ng credit card na ibinigay ni cho. sabay senyas sa kasamahan niyang lalake. nakukuha ko ang sensyasan.
kompirmado daw. magjowa kami.
hindi ko na lamang pinansin yon. dahil bukod sa hindi totoo, ay nakakapanginis. sabagay, sino ba naman ang normal na lalakeng kakain ng dalawa lang sila sa isang espesyal na lugar. dahil na din may curfew si cho hanggang alas-10 ng gabi, agad kaming tumayo para umuwi. dadaan pa daw siya sa red ribbon para bumili ng cake. sa kanya lamang iyon.
ng makalabas kami, isang babae ang bumati sa amin, isa daw siyang ahente ng credit card at mayroon silang promo sa araw na iyon. agad iniwasan ni cho ang babae dahil sa pagiging makulit nito, ngunit pilit kaming sinusundan upang ipilit ang credit card promo na kanyang alok.
nang makalayo kami ng kaunti ay bumalik ang babae at nagsama nagsama ng isa pang babae. ngayon ay dalawa na silang nagungulit sa amin. pinipilit kong ibahin ang direksyon namin upang malito sila at tumigil, pero walang silang sawa ayaw padin kaming tantanan.
" sir sige na po, mas okay po to dahil bihira po kami mag ganyang promo advantage niyo po dahil madalas kayo gumagamit ng inyong credit card. kahit po magfill up lang po kayo para makauwi na kami cge na po sir."
sa kakapilit ng dalawang babae, at maawain talaga siya, sumuko na si cho at hinarap sila. ako naman ay hinihila ang damit niya at pinapakitang tutol ako sa kanila, ngunit matigas pa sila sa bato. dinaig ang miss universe sa pag project ng kanilang ngiti.
" sir,kayo po, ayaw niyo mag fill up ng form, san po ba kayo umuuwi?" tanong ng babaeng ahente sa amin.
dahil alam kong parte ito ng kanilang PR, inintertain ko na din upang hindi masayang ang oras ko sa paghihintay kay cho.
" sa Bulacan pa. " mataray kong sagot.
" ah ganon ba sir? anlayo pa ho pala ng uuwian ninyo."
"oo, kaya nga nagmamadali kami."
hindi parin siya natitinag. sinusubukan padin niya ang lahat ng pwede niyang maitanong para kausapin ko siya at malibang.
"siguro po sir hinihintay na kayo ng girlfriend niyo kaya kayo nagmamadali noh? saglit nalang po yon. "
"wala akong girlfriend."
ngumiti lang siya. pinipilit magbukas pa ng usapan para lang hindi ako mainip sa paghihintay.
" ano pong binili niyo, sir? "
hindi ako sumagot, naiinip na ko dahil sa tagal ng ginagawa nilang pag fill up. may naisip ako.
" bumili ako ng heels, may laban ako ng miss gay mamaya."
umalis ang babae.















.jpg)
